Listahan ng mga lugar na pagdarausan ng 2023 Bar Exams sa Setyembre, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Office of the 2023 Bar Chair ang listahan ng local testing centers (LCTs) na pagdarausan ng 2023 Bar Examinations sa Setyembre.

Nasa kabuuang 14 na LTC ang napili ng Korte Suprema.

Kabilang dito ang anim na local testing centers sa National Capital Region (NCR) na: San Beda University- Manila, University of Sto. Tomas, San Beda College- Alabang, UP Diliman, Manila Adventist College, at UP Bonifacio Global City.


Magsisilbi namang LTC sa nalalabing bahagi ng Luzon ang Saint Louis University, Cagayan State University, at University of Nueva Caceres.

Habang napili naman sa Visayas ang: University of San Jose – Recoletos, University of San Carlos at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation; at Ateneo De Davao University at Xavier University sa Mindanao.

Sa abiso ng Office of the Bar Chair, ang San Beda College- Alabang ang magsisilbing national headquarters sa Bar Exams.

Facebook Comments