Listahan ng mga lugar sa rollout ng second booster shot sa mga immunocompromised person sa Lunes, ilalabas ngayong araw ng DOH

Nakatakdang ilabas ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga lugar kung saan isasagawa ang rollout ng second booster shot sa mga immunocompromised person.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ilalabas sa kanilang website ang mga lugar maaaring magtungo ang mga immunocompromised na magpapa-2nd booster shot.

Nabatid na sa Lunes, April 25 na ang rollout ng second booster shot sa mga immunocompromised person.


Kasabay nito, tiniyak ni Duque ang kaligtasan ng mga bakuna bago payagan ang pagbibigay ng 2nd booster dose ng bakuna kontra COVID-19 dahil na sa ilalim pa rin ito ng Emergency Use Authorization (EUA).

Batay sa tala ng DOH, nasa 67.2 million Filipinos na ang fully vaccinated pero nasa mahigit 13 million pa lang ang nabibigyan ng booster shot o 25.15% ng mga eligible na makatanggap ng booster dose.

Facebook Comments