Listahan ng mga lupang pag-aari ng gobyerno, pinako-consolidate ni PBBM

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng Inter-agency coordinating council na gagawa ng listahan ng lahat ng lupang pag-aari ng gobyerno.

Batay sa Administrative Order No. 21, layunin ng kautusan na palakasin ang Philippine Development Plan 2023-2028 kung kaya’t nais ng Pangulo na magkaroon ng database na maglalaman ng kumpletong listahan ng lahat ng hindi nagagamit na lupa ng pamahalaan.

Nais ding matiyak ng Pangulo na mapapakinabangan ang lahat ng lupa at magtatag ng komunidad na maaaring matirhan.


Pamumunuan ng mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Department of Agriculture (DA) ang coordinating council.

Magsisilbing naman secretariat ang DENR-Land Management Bureau.

Habang magiging miyembro rin ang tanggapan ng Executive Secretary, Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Solicitor General (OSG), Department of Justice (DOJ), Land Registration Authority (LRA), Commission on Higher Education (CHED), at Department of Information and Technology (DICT).

Facebook Comments