Listahan ng mga mahihirap na bibigyan ng ayuda, ibibigay ng DSWD sa mga LGUs ngayong araw kaugnay ng pamamahagi ng ayuda ngayong ECQ

Nakahandang ibigay ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan ang listahan ng mga benepisaryo ng Emergency Subsidy Program (ESP).

Ito’y bahagi ng pagkakaloob ng ahensya ng technical assistance sa mga Local Government Unit (LGU) ngayong magbibigay na naman ng ayuda sa mga maapketuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula March 29 hanggang April 4.

Makakatulong ang listahan upang mapabilis ng mga LGUs ang distribusyon ng ayuda sa mga qualified recipients.


Ang ayuda ay pwedeng in cash or in kind depende sa discretion ng mga LGUs.

Sa guidelines ng Department of Budget and Management (DBM), abot sa ₱ 1,000 ang maaring ibigay sa kada kuwalipikadong indibidwal.

Facebook Comments