Listahan ng mga makatatanggap ng COVID-19 vaccines, inihahanda na ng mga barangay – DILG

Naghanda na ang mga barangay ng listahan ng mga residenteng ipaprayoridad na mabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Governent (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, hinihintay ng mga Local Government Unit (LGU) ang instruction ng national at city governments patungkol sa vaccination.

Ipaprayoridad sa vaccination ang frontliners at senior citizens.


Ang mga barangay ay naghahanda para sa iba pang logistics concerns tulad ng mga pasilidad at equipment.

Maaari ding tumulong ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) sa vaccination program.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na maaaring simulan ang immunization program sa susunod na buwan lalo na at dito inaasahang darating ang unang batch ng mga bakuna.

Facebook Comments