Listahan ng mga Nahuhuling Pasaway sa ECQ sa Lungsod ng Cauayan, Patuloy na Humahaba!

Cauayan City, Isabela- Lima pang (5) kalalakihan sa lungsod ng Cauayan ang naisama sa patuloy na humahabang listahan ng mga lumalabag sa liquor ban.

Ito ay sa kabila ng patuloy na paalala ng mga kinauukulan sa mahigpit na pagbabawal sa pag-inom ng alak sa panahon ng enhanced community quarantine.

Kinilala ang mga nahuli na sina Seryo Ricardo, Norman Alcatraz, Gregorio Olivar, Reymel Daprosa, mga nasa hustong gulang at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City at Mario Tayao, nasa tamang edad, residente naman ng Brgy. Nagrumbuan ng naturang Lungsod.


Kasong paglabag sa bayanihan to heal as one act ang nakatakdang kaharapin ng mga ito.

Kabilang ang limang ito sa 70 na una nang nahuli at nasa listahan ng PNP Cauayan City na nakatakdang kakasuhan pagkatapos ng ecq.

Ayon sa pulisya, hindi pa nila masampahan ng kaso ang mga ito dahil sa pakiusap na rin ng BJMP Cauayan dahil sa inaasahang dadami pa ang mga ito at kapag sasampahan agad sila ay kukulangin ang kanilang espasyo sa loob ng kulungan.

Sa ngayon ay apat (4) na taga San Fermin din ang nakakulong dahil pa rin sa paglabag sa liquor ban habang nasa ilalim ng ecq ang Lungsod.

Agad na nasampolan ang mga ito dahil sa halip na sumama sa mga pulis na humuli sa kanila ay hinanapan pa ang mga ito ng job order sa paghuli.

Facebook Comments