Manila, Philippines – Hawak na ng pulisya ang listahan ng mga opisyal at mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Ayon sa Manila Police District, galing ang listahan sa pamunuan ng University of Santo Tomas na ipinasa ng Aegis Juris bilang bahagi ng student organization general information report noong nagbukas ang school year 2017-2018.
Walo sa nasa listahan ang opisyal ng fraternity na sina.
Arvin Balag – Presidente
Mhin Wei Chan – Vice Presidente
Marc Anthony Ventura – Secretary
Axel Munro Hipe – Master Initiator
Oliver John Ongfre – Auditor
Joshua Joriel Macabali – Public Relation Officer
Jason Adolfo Robiños – Treasurer
Ralph Trangia – Sergeant at Arms
Una nang napasama ang walong opisyal sa immigration look out bulletin at nasampahan na rin ng kaso ng MPD sa Department of Justice.