Isinasapinal pa ng Department of Health (DOH) kung aling mga ospital ang makakasama sa vaccination program kontra COVID-19.
Pero ang natitiyak ng DOH ay magiging prayoridad nila sa vaccination ang healthcare workers mula sa COVID-19 referral hospitals.
Nanindigan din si Health Usec. Maria Rosario Vergeire na sapat ang mga ebidensya na magpapatunay na ligtas ang mga bakuna ng Sinovac ng China.
Bagama’t nagbigay kasi ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Food and Drug Administration (FDA) sa Sinovac, hindi ito kumporme na gamitin sa healthcare workers.
Partikular ang health workers na may direktang exposure sa COVID-19 patients dahil nasa 50.4% lamang daw ang efficacy rate ng Sinovac.
Facebook Comments