Inilabas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pangalan ng mga bagyong inaasahang tatama sa bansa ngayong 2019.
Kabilang sa mga nasa listahan ang mga pangalang Agaton, Basyang, Caloy, Domeng, Ester, Florita, Gardo, Henry, Inday, Josie, Karding, Luis, Maymay, Neneng at Ompong.
Kasama din ang pangalang Paeng, Quennie, Rosita, Samuel, Tomas, Usman, Venus, Waldo, Yayang at Zeny.
Habang nasa auxiliary list naman ang mga pangalang Agila, Bagwis, Chito, Diego, Elena, Felino, Gunding, Harriet, Indang at Jessa.
Bagama at karaniwang nasa dalawangpu ang bilang ng mga bagyong pumapasok sa bansa kada taon, sinabi ng PAGASA na naghahanda sila ng dalawangpu’t limang pangalan sakaling madagdagan ito batay sa kanilang mga pag–aaral.