Listahan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Iraq, hiniling na ng Embahada ng Pilpinas sa mga employer nito

Humiling ang top Filipino Diplomat sa Human Resource Offices ng mga pribadong kumpanya sa Iraq na mayroong Pilipinong manggagawa na bigyan sila ng listahan ng kanilang empleyado at kanlang Contigency Plans kapag evacuation.

Sa sulat na may petsang January 4, 2020, nakiusap si Philippine Embassy Charge D’ Affaires Jomar Sadie sa mga kumpanya na payagan ang kanilang mga Pilipinong empleyado na kumuha ng leave of absence pabalik ng Pilipinas kapag lumala ang sitwasyon.

Ipinadala ng Embahada ang sulat sa gitna ng mga hindi magkakatugmang ulat tungkol sa aktwal na bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Iraq.


Una nang sinabi ng DFA na ang nasa 1,690 ang documented at undocumented OFWs sa Iraq.

Facebook Comments