Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hawak na ng Egyptian government ang listahan ng mga Pilipinong ililikas sa Egypt mula Gaza Strip.
Ayon sa DFA, hinihintay na lamang nila na magbukas ang border patungong Egypt kapag pumayag na ang Israel.
Pinapayuhan din ng DFA ang iba pang mga Pilipino sa Gaza na magtungo na rin sa border.
Sa ngayon, pinag-uusapan pa ng Israel at Egypt ang mga proseso sa pagbubukas ng Rafah border crossing.
Nag-iingat kasi sila na posibleng magamit ito sa pagtakas ng Hamas militant group.
Facebook Comments