Naibigay na ni dating Senator Leila De Lima sa US State Department ang listahan ng mga prosecutors na bibigyan ng entry ban sa US sa ilalim ng Magnitsky Act.
Ito ang kinumpirma ni De Lima kasunod ng pag-apruba ni US President Donald Trump sa 2020 national budget kung saan kabilang ang pag-impose ng travel ban sa mga taong nasa likod ng pagpapakulong sa kaniya.
Ayon kay De Lima, nitong ikalawang linggo pa ng Enero naipadala ang listahan.
Pero hindi aniya niya ito isasapubliko bilang pagrespeto na rin sa US State Department.
Matatandaang tatlong taon nakulong si De Lima nitong 2017 matapos itong sampahan ng patong-patong na kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court, dahil sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.