Listahan ng mga proyektong paglilipatan ng flood control funds sa 2026, inilabas na ng Palasyo

Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga proyektong paglalaanan ng ₱225 bilyong pondo para sa flood control projects sa 2026.

Sasaklawin ng re-appropriation ang iba’t ibang sektor gaya ng edukasyon, agrikultura, kalusugan, pabahay, imprastraktura, ICT, enerhiya, labor, at social services.

Kabilang sa mga prayoridad ang pagtatayo ng laboratoryo at dormitoryo sa state universities and colleges, dagdag pasilidad, at kagamitan sa pagtuturo para sa DepEd, irrigation dams, farm-to-market roads, cold storage, at electrification projects.

Popondohan din ang mga ospital at programang medikal, pabahay, evacuation centers, libreng wifi, pati na ang mga serbisyong pangkabuhayan gaya ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Giit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito ang magiging gabay ng mga mambabatas upang matiyak na ang pondo ay mailalaan sa mga proyektong may direktang pakinabang sa taumbayan.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na wala ng budget ang flood control sa 2026 dahil mayroon pang pondo mula sa 2025 na hindi pa nagagastos.

Facebook Comments