Listahan ng mga sangkot sa iligal na droga, ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Senador na dumalo sa “intimate” dinner sa Malacañang

2
Manila, Philippines – Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labinlimang (15) senador ng majority bloc na dumalo sa intimate dinner sa Malacañang ang listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.
 
Gayunpaman, nilinaw ni Senate President Koko Pimentel na walang agenda na napag-usapan sa dinner.
 
Aniya, gusto lang talaga ng mga senador na kumain kasama ang pangulo.
 
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon sina Majority Leader Vicente Sotto III, Senators Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Grace Poe, Miguel Zubiri, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Nancy Binay, Loren Legarda, Ralph Recto, at Sonny Angara.
 
Hindi naman nakadalo sina Senators Ping Lacson, Chiz Escudero, Gringo Honasan na dahil sa mga hindi na makanselang lakad.

Facebook Comments