listahan ng mga senior high school student na kasama sa voucher program ng DepEd, ilalabas na bukas

Malalaman na bukas ng mga senior high school student kung sino-sino sa kanila ang nakasama sa voucher program ng Department Of Education o DepEd.

 

Ang mga online applicants ay malalaman na ang resulta sa kani-kanilang account habang ang mga personal na nagsumite ay maaaring makita ang listahan sa online voucher application portal na ovap.peac.org.ph

 

Kung sakaling kwalipikado ang mga estudyante, i-download lamang ang mga voucher certificates at gamitin ito bilang subsidiya para sa kanilang tuition fee sa mga private school, state o local universities at colleges na may senior high school program.


 

Nabatid na ang proseso bahagyang na-delay dahil sa mabagal na pagpasa ng 2019 national budget.

 

Ang mga grade 10 graduates lamang na nasa private school at hindi sakop ng Education Service Contracting o ESC, ang kinakailangan na magapply sa voucher program.

 

Ito ay dahil automatiko ng bibigyan ng voucher ang mga estudyanteng nagsipatapos sa public school at maging ang mga magaaral sa pribadong eskwelahan na dati ng ginagastusan ng DepEd kung saan aabot ito sa P22,500. 00 kada taon.

Facebook Comments