Binago na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang listahan ng mga pasok sa green countries.
Ang green countries ay tumutukoy sa mga bansa sa mundo na may mababang bagong kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccine deployment o marami na ang nabakunahang mamamayan.
Kapag nasali sa green list ang isang bansa, maaring ang mga indibidwal na galing dito na fully vaccinated na ay pwedeng hanggang 7 araw na lamang sa quarantine facility pagdating dito sa Pilipinas, pero tuloy pa rin sa pag-home quarantine ang nalalabing pitong araw nito.
Kabilang sa mga isinama sa green list ay ang mga bansang Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Azerbaijan, Barbados, Benin, Bermuda, The British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Curacao, Dominica, Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gabon, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Iceland, Isle of Man, Israel, Laos, Liechtenstein, Mali, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, North Macedonia, Northern Mariana Islands, Palau, Romania, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Singapore, Sint Eustatius, South Korea, Taiwan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK) at Vietnam.