Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) ang mga tourist destination sa bansa na hindi na inoobliga ang mga turista na magprisinta ng negative swab test result basta nabakunahan na.
Kasama rito ang Cebu Province, Lapu-Lapu City at Catbalogan kung saan hindi na hinihingan ng RT-PCR test at antigen test.
Vaccination certificate naman na kukunin sa VaxCertPH ang kailangan para makapasok sa Bohol, Iloilo City at Negros Occidental.
Habang vaccination cards ang ipiprisenta sa Misamis Oriental, Masbate province, Southern Leyte, Clark Freeport zone, Subic Bay Freeport Zone, Tarlac, Tacloban City at Maasin City.
Para naman ng mga magtutungo sa Boracay, kailangan pa rin ng negative RT-PCR test result bago makapasok maliban kung nakatira sa Guimaras at Panay Island.