Listahan ng PDEA ukol sa ninja cops, nakatakdang isumite na rin kay Pangulong Duterte

Isusumite ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang listahan ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Sa tala ng PDEA, aabot sa 854 na mga pulis ang nasa drug watchlist, 372 dito ay aktibong miyembro pa ng PNP, habang 482 ang awol o kaya naman ay dismiss na sa serbisyo.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 87 ang ninja cops o dawit sa pagre-recycle ng ilegal na droga.


Idinagdag pa ni Aquino, lumawak na rin ang operasyon ng mga ninja cop sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Karamihan sa listahan ay mga protektor.

Inaalam na rin ng PDEA ang koneksyon ng mga ninja cops sa mga drug lord na nakakulong sa Bilibid.

Facebook Comments