Hawak na ng Commission on Election o COMELEC Pangasinan ang pinal na listahan ng mga poll workers na magsisilbi para sa Local at National sa darating na May 2022.
Saad ni Atty. Ericson Oganiza, Pangasinan Provincial Election Supervisor, pinaghahandaan na umano ng kanilang ahensya na sakaling pagback out ng mga poll workers dahil sa personal at health reasons.
Pinal na umano ang listahan na hawak ng COMELEC mula sa electoral boards, inspectors, support staff na nagbabantay maging ang mga technicians.
Pinakabagong kabilang dito sa nalalapit na eleksyon sa panahon ng pandemya ay ang medical personnel at nurse na nangunguna sa pagcheck ng indibidwal na pupunta sa polling precincts.
Samantala, sinabi ni Oganiza na nagsimula naman na noong February 21 ay ang training ng mga poll workers. | ifmnews