Manila, Philippines – Umabot pa lang sa labing tatlo mula sa 62 kandidato sa pagka-senador ang nakapagpa-rehistro ng kani-kanilang websites at social media pages sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Comelec, layon nitong ma-monitor ang social media expenses ng mga kandidato para sa midterm elections.
Batay sa notice na inilabas ng poll body, ang mga nakapagparehistro pa lang ng kani-kanilang websites at social media ay sina:
1. Sergio Osmeña
2. Nancy Binay
3. Danilo Roleda
4. Pia Cayetano
5. Cynthia Villar
6. Bong Revilla
7. Jose Manuel Diokno
8. Bam Aquino
9. Florin Hilbay
10. Mar Roxas
11. Koko Pimentel
12. Jiggy Manicad
13. Willie Ong
Mula naman sa 181 partylist groups na tumatakbo ngayong halalan, 23 lamang ang nakakapagparehistro.
Paalala ng Comelec, kailangang irehistro sa Education and Information Department o EID ng komisyon ang website, address ng official blog at social media pages ng mga kandidato sa national positions at partylist organizations.