Naniniwala ang Liberal Party na ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na listahan ng mga mambabatas na sangkot sa korapsyon ay pawang diversionary tactic lamang na layong ibaling ang atensyon ng publiko mula sa ibang isyu sa pamahalaan.
Sa statement, sinabi ng LP na walang dahilan ang Pangulo para idawit sila sa anumang alegasyon.
Nililihis lamang ng Pangulo ang atensyon ng mga Pilipino sa mga isyung dapat ayusin at panagutan ng administrasyon.
Hinikayat ng LP si Pangulong Duterte na mag-focus sa malawak na korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation, pag-abuso ng mga pulis at COVID-19 pandemic.
Matatandaang ang ilang miyembro ng LP na sina Occidental Mindoro Representative Josephin Sato, dating Ifugao Representative Teodoro Baguilat Jr., at Northern Samar Representative Paul Daza ay iniuugnay sa korapsyon, pero itinanggi ng tatlong mambabatas ang alegasyon.