Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Philippine Statistics Authority (PSA) National ID system ang Listahanan 3 data.
Ang Listahanan 3 ay resulta ng nationwide household assessment na isinagawa noong November 23, 2022.
Batay sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 5 milyon mula sa kabuuang 15,487,655 households na kanilang na-assess ang natukoy na mahihirap.
Sa pamamagitan ng matching ng Listahanan database at ng PhilSys Registry, magkakaroon na ng legal na pagkakakilanlan ang mga Pilipino na maka-access sa lahat ng government services.
Tiniyak naman ng PSA na protektado ang mga personal na impormasyon ng mga nasa Listahanan 3 dahil mahigpit na sumusunod sa data privacy laws and protocols ang data matching ng DSWD at PSA.
Posible namang magbukas din ang DSWD ng data sharing partnerships sa iba pang social protection stakeholders gaya ng national government agencies, local government units, non-government organizations at private sector.