Lithuanian Foreign Minister Gabrielius Landsbergis, bibisita sa bansa ngayong araw

Ayon sa advisory mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakda ang pagbisita ng Lithuanian Foreign Minister na si Gabrielius Landsbergis ngayong araw.

Magtatagal ang ang kaniyang pamamalagi sa bansa mula April 23 hanggang April 25.

Ang pagbisitang ito ni Foreign Minister Landsbergis ay magmamarka bilang unang opisyal na pagbisita sa Pilipinas sa loob ng tatlong dekadang diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa.


Ito rin ay kinikilalang first high-level visit sa Pilipinas mula nang bumisita sa bansa si Lithuanian Prime Minister Adolfas Slezevicius halos 30 taon na ang nakalilipas noong 1995.

Ang gaganaping pagpupulong sa pagitan ng Foreign Minister at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, ay may layuning palakasin ang ugnayan sa pamamagitan ng kooperasyon sa kalakalan, malinis na enerhiya, agham at teknolohiya, at people-to-people links.

Facebook Comments