Litrato ng mga labi ni Jaybee Sebastian bago nai-cremate, ipinakita ng BuCor

PHOTO COURTESY: BUREAU OF CORRECTIONS

Ipinakita ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga litrato ng mga labi ng kidnap-for-ransom convict na si Jaybee Sebastian bago ito nai-cremate.

Ito sa gitna ng mga alegasyong pinatakas lamang sa New Bilibid Prisons ang high-profile inmate at hindi namatay sa COVID-19.

Batay sa mga litrato, nakalagay sa body bag ang labi at makikita ang mga tattoo nito sa magkabilang braso.


Iprinisenta rin ng BuCor ang death certificate ni Sebastian at ang walong iba pang inmates na namatay sa sakit.

Muling inulit ni NBP Hospital Director Dr. Henry Fabro na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ni Sebastian dahil sa komplikasyon sa COVID-19.

Sinabi naman ni BuCor Legal Officer Atty. Hobert Luz na handa silang ipakita ang medical records ng mga namatay na inmates kung kinakailangan.

Samantala, ayon kay BuCor Spokesperson Colonel Gabriel Chaclag na inabisuhan ang pamilya ng mga inmates hinggil sa kanilang kondisyon.

Alam din ng pamilya ng mga ito ang tungkol sa cremation.

Pero aminado ang BuCor na may ilang pamilya ang hindi pa naaabisuhan dahil hindi updated ang contact numbers.

Facebook Comments