Litrato ng ‘special child’ na masayang kasama ang nagtratrabahong ama, viral!

Courtesy Facebook/Marivic Ando Natividad

Iba’t-ibang paraan ang ating ginagawa para maiparamdam ang tunay na pagmamahal sa mga haligi ng tahanan. Katulad ng special child na ito na sinamahan ang amang bus driver sa paghahatid ng mga pasahero.

Viral ngayon sa social media ang litratong kinuhanan ni Facebook user Marivic Ando Natividad ng batang masayang naghihintay at nakaupo sa gilid ng kanyang tatay habang nagmamaneho ng pampasaherong bus.

“This morning I decided to ride a bus going to my work not my usual route actually. Then luckily I was sitted beside a SPECIAL CHILD. He was very happy, jolly and smiling at me all the time. He knows all the bus stops and the roads like he will shout at it when passenger will going down. The bus driver is seemingly happy as well.”


Kuwento ni Natividad, nag-alala pa ang driver baka mahuli sila ng otoridad kapag nakitang malapit sa kanya ang anak. Nakikinig rin ito sa kinukuwento ng bata at sabay na kumakanta.

“Papa, papa. Then the driver said “nako bakit ka pa lumipat dito, baka mahuli tayo ng MMDA.  And he closed the window curtain in his side. He is so talkative and his father is listening to him every single word that he say. And they were singing and both happy while his papa’s driving.

Aminado si Natividad natunaw ang kanyang puso sa nasaksihang pangyayari. Nagsulat din siya ng appreciation post para sa lahat ng ulirang ama.

“To all the fathers out there, thank you for all the sacrifices you’ve made for us. To all the unconditional love in every possible way you could give. Thank you for being superman for your family, for being a good provider and for trying your best to be the BEST FATHER IN THE WORLD. We appreciate that, truly.  And of course to my Papa Victor Natividad. I love you. And I thank God for giving us a father like you.”

Umani ng papuri, pagmamahal, at pagpapasalamat ang nakaaantig na post. Sa ngayon, mayroon na itong 85,000 likes at 31,000 shares.

 

Facebook Comments