Litrato ni Chel Diokno na sumakay ng taxi, viral

Photo courtesy of Eric Oebanda on Facebook

Nag-viral ang Facebook post ni Eric Oebanda, kung saan sumasakay sa taxi si Chel Diokno sa isang kalsada sa Quezon City.

“Bitbit niya ang kanyang trademark na bag at mga envelope, he even signaled na kunin na ang taxi… sabi ko, ok lang po, he then smiled at tumakbo na papunta sa loob,” ani ni Oebanda sa kaniyang caption.

“Palagi tayong naghahanap ng lider matalino, may tunay na malasakit, simple at may mababang kalooban. Pero sinayang natin ang pagkakataon na pwede sana manungkulan ang katulad niya. Sayang!” dagdag niya.


Si Chel Diokno ay tumakbo bilang senador nitong Mayo 13 midterm elections, ngunit bigong makapasok sa ‘Magic 12’.

Sa kasalukuyan, ang post ay umabot ng 97,000 reactions, 1,000 comments at 26,000 shares.

Facebook Comments