Mariing pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo na nagpaabot sila ng tulong sa napaslang na mag-iina sa Paniqui, Tarlac.
Nabatid na nag-viral sa social media ang isang litrato kung saan may isang babaeng nakasuot ng face mask na namamahagi ng cash assistance sa pamilya ni Sonya at Frank Anthony Gregorio.
Ikinagalit ng mga netizens ang kung paano naka-anggulo sa camera ang pamimigay ng pera para ipakita kung magkano ang perang ipinamahagi.
Ayon kay Robredo, hindi siya ang babaeng nasa picture.
Sinabi ng Bise Presidente na galing sa isang government agency ang litrato pero hindi pa niya bineberipika ang impormasyon.
Pero iginiit ni Robredo na nagpaabot talaga sila ng tulong sa mga biktima pero hindi nila isinapubliko ito.
Umapela ang Bise Presidente sa publiko na isumbong ang nagpapalaganap ng fake news.