
Inanusyo ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na ligtas na ang 14 na litsunan sa La Loma mula sa African Swine Fever (ASF).
Tatlong tindahan ang nabigyan ng lifting order ng lokal na pamahalaan upang muling makapagbukas matapos makapasa sa mga regulasyon ng City Health Department at City Veterinary Department ng lungsod.
Ayon sa QC-LGU, araw-araw na nagsasagawa ng disinfection sa loob ng isang linggo ang mga establisyimento, katuwang ang nabanggit na departamento ng lungsod.
Bukod sa disinfection, inatasan din nila ang mga tindahan na sumunod sa kinakailangang sanitary, safety, at health protocols.
Matatandaang nag-isyu ng temporary closure ang lungsod noong November 13 matapos magpositibo sa ASF.
Facebook Comments









