Little Marian o Mini Dingdong? Bagong photos ni Ziggy Dantes, viral

Tampok ang bagong photos ni Ziggy Dantes na kinagiliwan ng mga netizen.

Sa ibinahagi ni Dingdong sa kaniyang Instagram account, may mga caption itong “Ano kaya ang nasa isip niya?” at “Sixto x Sixto” pinagdebatehan kung sino ang kamukha ng bata.

Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizen na sinabing napaka-gwapong bata. Nagkomento rin ang mga kapwa-celebrity tulad nila Iya Vilania, Joross Gamboa, Ryan Agoncillo, Katrina Halili at Vina Morales sa post ni Dingdong.


Ayon kay Bianca Gonzales, mini Marian ito. Kamukha naman ng daddy ang sabi ni Aubrey Carampel.

Si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV ay pangalawang anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ipinanganak siya noong Abril 16, 2019.

Facebook Comments