Littoral combat ship ng US, bumisita sa Maynila sa kauna-unahang pagkakataon

Dumaong sa Maynila ang warship ng US na maituturing na kauna-unahang pagbisita ng US Navy ship sa Pilipinas simula pa noong 2019.

Ayon sa US 7th Fleet commander Vice Admiral Karl Thomas, ang warship ay tinatawag na USS Charleston, isang littoral combat ship.

Dumating ito sa Pilipinas ilang linggo matapos na bawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.


Titiyakin naman ng US Navy ships ang seguridad sa mga karagatan at ports sa buong mundo tulad ng Maynila upang mapanatili ang kapayapaan sa mga regional countries.

Facebook Comments