LIVE BAND SA LAMAY AT LIBING, IPINAGBABAWAL PA RIN SA AGUILAR; PUNERARYA, IGINIIT NA KAILANGANG SUNDIN ANG KAUTUSAN

AGUILAR, PANGASINAN – Mariing ipinaalala ng pamahalaang lokal ng Aguilar na hindi pa rin pinahihintulutan ang mga live bands sa mga libing sa gitna ng pandemya, ito ay kasabay umano na marami parin ang nagsasagawa nito kahit pa ilang beses ang ginagawang pagpapaala sa mga residente.

Sa bisa parin ng Executive Order number 12 na umiiral sa bayan, sa pagdaraos ng lamay o libing ay maaari lamang tumagal ito sa tatlong araw.

Tanging mga nalalapit na pamilya at kamag anak ang maaaring bumisita upang maiwasan umano ang kumpulan ng mga ito.


Hindi rin dapat hihigit sa tatlumpu ang magsisidalo sa araw ng libing.

Mismong mga barangay council ang magsasagawa ng palagiang pagmonitor sa mga lamay at magbabantay sa araw ng libing.

Samantala, ipinaalala naman sa lahat ng punerarya na kailangan sundin ang kautusang nakapaloob dito upang maiwasan na maparusahan kalaunan.

Facebook Comments