
Sanib pwersang isasagawa ng Philippine Army at US Army Pacific ang Operation Lightning Strike, isang high-impact live-fire exercise sa darating na June 30, 2025, bilang bahagi ng ikalawang yugto ng Salaknib 2025.
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Philippine Army, tampok sa naturang operasyon ang pag-deploy ng Apache attack helicopters at dalawang High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) mula sa magkabilang panig.
Layon ng aktibidad na palakasin ang interoperability at tactical proficiency ng dalawang puwersa sa gitna ng tumitinding hamon sa seguridad sa rehiyon.
Ang Salaknib ay taunang pagsasanay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na layong pagtibayin ang alyansa, palakasin ang kakayahang pandepensa, at harapin ang mga banta sa kapayapaan sa Indo-Pacific region.









