Ngayong araw ay dadalo si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa live fire exercises na bahagi ng ginagawang Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Pasado alas-9:00 ng umaga inaasahang darating ang presidente sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, San Antonio, Zambales na kung saan ay sasaksihan nito ang firing ng high mobility artillery rocket system.
Una nang inihayag nang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging bahagi ng live fire exercise ang pag-target at pagpapalubog sa isang decommissioned Navy warship na nakakasakop sa 12 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.
Excited na umano ang pangulo na nabigyan na ng briefing para sa gagawing combined joint littoral live fire exercises ng mga sundalong Pinoy at Amerikano.
Nagsimula ang Balikatan Exercises nitong nakaraang April 11 at magtatapos bukas April 27 na kung saan, 5,400 AFP personnel ang sumasali sa pagsasanay habang nasa 12,200 U.S. military personnel ang kabuuang participants sa military exercise.