BILANG NG KRIMEN SA PANGASINAN, BUMABA NGAYONG TAON AYON SA PNP

Bumaba ang naitalang krimen sa lalawigan ng pangasinan ngayong taon ayon sa Philippine National Police Pangasinan.

Sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Development Council, Provincial Peace And Order Council, at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PDC-PPOC-PADAC).

Ayon kay Police Lieutenant Ramil Castro, bumaba ng 35% ang total crime incidents na nasa 3,143 nitong Enero 1- Hunyo 15, taong kasalukuyan mula sa 4,840 incidents sa parehong buwan noong nakaraang taon.


Bunga umano ito ng pagsasagawa ng iba’t-ibang operasyon ng ahensya upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa lalawigan.

Ayon naman kay Provincial Intel Officer Francis Lomas-e na walang na-monitor ang Philippine Drug Enforcement Agency na drug cultivation, manufacture or chemical diversion sa Pangasinan.

Samantala naaprubahan na ni Pdc Chairman Governor Amado I. Espino III ang pag-eendorso ng annual investment program para sa taong 2022 ng Pamahalaang Panlalawigan.

Layon ng AIP CY 2022 na ipagpatuloy ang Abig Pangasinan recovery program na tutulong pa sa mas maraming pangasinense sa susunod na taon.

Saklaw ng investment plan ang mga programa at proyekto para sa mga sumusunod: quality and affordable health care; environmental protection; increased agricultural productivity; manpower development; livelihood and employment; high-quality education; disaster risk reduction; socialized housing;, social welfare services; youth and sports development; tourism, culture and the arts promotion; infrastructure and special project development; safe and peaceful neighborhood; at human resources at administrative development ng Pamahalaang Panlalawigan.

Facebook Comments