Live From The Field

*PDRRMO PANGASINAN, TINIYAK ANG KAHANDAAN NGAYONG NARARANASAN ANG PAG-UULAN SA LALAWIGAN *
Kasunod ng mga nararanasang mga pag uulan sa lalawigan ng Pangasinan, tiniyak ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nakahanda ang sektor sa mga hindi inaasahang mga pagkakataon.
Ang paghahanda ay kasabay pa rin ng naranasang epekto ng Habagat na pinalakas pa ng bagyong Fabian na nakaapekto sa mga residente ng lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng PDRRMO, sa nagdaang Habagat at Bagyong Fabian ay naging mababa o minimal ang naging epekto sa lalawigan ng Pangasinan.
Naging maayos umano ang pakikipag ugnayan ng mga Local Government Units sa mga nasasakupan nito. Sinabi ng PDRRMO na regular ang ginagawa nilang pakikipag ugnayan sa mga Local Government Units (LGU) partikular na sa mga low lying area para malaman ang kanilang kalagayan.
Base din sa kanilang natanggap na ulat, may mga inilikas sa evacuation center subalit agad ding nakabalik sa kanilang mga tahanan matapos gumanda ang lagay ng panahon at wala namang gaanong naidulot na pinsala ang nasabing pag-ulan sa sektor ng imprastraktura maging sa agrikultura dahil halos kaka-umpisa pa lamang na magtanim ang mga magsasaka sa lalawigan.

Facebook Comments