MAS PINAHIGPIT NA PAGBABANTAY SA BORDERS NG PANGASINAN, TINIYAK NG PANG PPO HABANG NAKASAILALIM PARIN SA MGCQ ANG LALAWIGAN

Nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office na mas hihigpitan nila ang pagbabantay sa mga border control checkpoints na nakalatag sa buong Pangasinan.

Ayon sa ahensiya, asahan umano ng publiko na mas mahigpit na protocols ang ipatutupad dahil naman sa patuloy na pagtaas pa ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa probinsya.

Kailangan umanong limitahan ang paggalaw naman ng non APOR upang mapigilan naman ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 at maging ng transmission ng virus sa lalawigan.


Kaugnay pa nito ay nagbaba naman ang Police Provincial Command ng direktiba sa mga chief of police at unit commander ng kada PNP sa lalawigan kaugnay naman sa guidelines na kailangan ipatupad sa mahigpit na quarantine restrictions.

Samantala, tiniyak ng pamunuan ng PangPPO na patuloy sila sa kampanya laban sa mga iligal na aktibidad sa gitna naman ng pandemya.

Facebook Comments