INFANTA, PANGASINAN – Ngayong araw ika- 24 ng Setyembre ipinamahagi sa mga apektado ng African Swine Fever (ASF) na magbababoy sa bayan ng Infanta ang Indemnification o tulong sa naging pinsala sa ikinabubuhay ng mga ito.
Dalawamput-limang (25) hog raisers sa bayan ang nakatanggap ng indemnification cash assistance na nagkakahalaga ng 5,000 bawat isang baboy bilang kabayaran sa mga natamaan ng African Swine Fever noong taong 2020.
Ang distribusyon ng cash assistance ay sa ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng department of agriculture.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo, ay nagdala ng orihinal na valid government ID na nakalakip sa aplikasyon maging ng photocopy nito.
Lahat din naman umano ng dumalo ay inaabisuhang magsuot ng face mask at face shield upang makasunod sa protocol on physical distancing na itinakda ng IATF.