Suportado ng Pangasinan Provincial Health Office ang hindi na pagsusuot ng face shield sa publiko o sa labas matapos ang anunsyo ng Pangulong Duterte nito lamang Miyerkules sa kanyang Talk to the People noong nakaraang linggo.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Dr. Anna De Guzman, Chief Officer ng PHO, sinabi nitong suportado ng PHO ang desisyon ng pangulo at susuportahan ang mga kautusang manggagaling sa taas ngunit kailangan umanong mag-ingat sa hindi na pagsusuot nito gayong hindi pa rin natatapos ang banta ng sakit na COVID-19.
Dagdag pa niya, sa kabila pa rin ng pagluluwag sa hindi na pagsusuot ng face mask, sila umanong nasa larangan ng kalusugan ay naniniwalang dapat pa rin umanong ipagpatuloy ang paggamit ng face shields sa kadahilanang hindi maayos ang pagsusuot ng facemasks ng publiko, dahil dagdag pa aniya, upang madagdagan umano ang proteksyon ng tao sa sakit.
Samantala, sa tatlong lugar lamang umano pwede gamitin ang face shields, sa 𝗰𝗹𝗼𝘀𝗲𝗱 o saradong lugar, matatao (𝗰𝗿𝗼𝘄𝗱𝗲𝗱) 𝗮𝘁 sa 𝗰𝗹𝗼𝘀𝗲-𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗰𝘁”, ayon sa naging anunsyo ni Pangulo.
Sa ngayon hinihintay pang matapos ng mga Executive Department ang guidelines upang tuluyang maipatupad ang kautusan.