Live From The Field

12

Tindero ng isda binaril patay Malay, Aklan — Dead on arrival sa Malay District Hospital ang isang tindero ng isda matapos na barilin Sabado ng gabi sa Sitio Tabon Baybay, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan. Base sa data ng Malay PNP, kinilala ang biktima na si Marcial Arguilles, 54-anyos tubong Masbate at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar, habang kinilala naman ang suspek na si Ponciano Tayco, 45-anyos na taga Ibajay. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na matutulog na sana ang biktima ng marinig nitong nagsisigaw ang suspek sa labas ng kanyang bahay dahilan para lumabas ito at tingnan. Pinagbintangan ng suspek ang biktima na siyang bumato sa kanilang bahay na itinanggi naman ng biktima pero binaril siya ng suspek at tinamaan sa dibdib. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malay PNP ang suspek matapos itong sumuko dala ang ginamit na baril para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments