Live From The Field

600, 000 NA KABATAAN EDAD 12-17 TARGET NA MABAKUNAHAN SA REGION 1
Target na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 600, 000 na kabataan edad 12-17 sa Ilocos Region.
Ito’y sa kabila ng pagsisimula ng pagbabakuna sa mga nasabing edad sa rehiyon upang maabot ang herd immunity.
Matatandaan na unang nagsimula ang pediatric vaccination sa mga may sakit dito noong ika-30 ng Oktubre ngunit noong ika-3 ng Nobyembre binuksan ang pagbabakuna sa mga walang comorbidity.
Nagpaalala naman ang DOH-CHD1 na magparehistro muna ang mga ito upang maiwasan ang pagdagsa sa vaccination sites bilang pag obserba sa minimum public health standard. ###

Facebook Comments