ISANG LIBONG INDIBIDWAL SA STO. TOMAS, BENEPISYARYO NG CASH-FOR-WORK PROGRAM NG DSWD RO1
ISINAGAWA ng pamunuan ng DSWD Field Office 1 ang Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation payout sa bayan ng Sto. Tomas dito sa Pangasinan.
Aabot sa 1,500 beneficiaries ang kabilang dito na nagbigay serbisyo sa pamamagitan naman ng environmental protection activities sa ilalim ng DSWD Cash-For-Work program.
Ang bawat benepisyaryo ng Cash-for-Work program ay nakatanggap ng cash assistance base naman sa regional wage sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa komunidad.
Kabilang sa mga community projects na ginawa nila ay ang repair at reconstruction ng mga nasirang bahay, community facilities, clean-up at garbage collection.###
Facebook Comments