Live From The Field

Para sa mga mahilig manood ng trending video sa YouTube, hindi kailangang gumastos ng malaki para sa mobile data.

Payo ng Globe Telecomms, maaring gamitin ang YouTube offline feature kung saan maaaring makapag-download ng mga paborito nating videos basta’t mayroong Wi-Fi connection.

Una, i-connect ang iyong cellphone sa Wi-Fi saka buksan ang YouTube application at mag-search ng mga video.


Pindutin lang ang tatlong tuldok na makikita sa upper right corner ng video at i-press ang ‘select offline’.

Ngayon, ma-enjoy mo na ang panonood ng mga video kahit walang mobile internet.

Siguruhin lang na naka-add over Wi-Fi only ang setting ng cellphone para hindi maubos ang mobile data habang nagda-download.

Facebook Comments