PNP REGION, IGINIIT NA WALA PANG MAITUTURING NA KABILANG SA ‘CODE RED’ KAUGNAY SA PAGDEDEKLARA NG AREAS OF CONCERN NA MAY KAUGNAYAN SA NALALAPIT NA ELEKSYON

Iginiit ng Police Regional Office 1 na magpahanggang sa ngayon ay walang opisyal na naideklarang Areas of Immediate Concern o ang Hotspot areas ngayong panahon ng eleksyon.

Sinabi ni PNP Regional Information Officer, PLtCol. Abubakar ‘Jun’ Mangelen Jr. na kung pagbabatayan umano ang color coding scheme ng pwersa ng kapulisan bago maideklarang hotspot ang isang lugar ay wala pang code red ukol dito.

Para sa Ilocos Region ay wala pa umano silang na-monitor na maituturing at maisasailalim sa ‘code red’ kaugnay nito.

Saad ni Mangelen na bagama’t may lugar na nasa ‘orange category’ dahil sa nagkaroon ng insidente na may kaugnayan sa eleksyon partikular sa Balaoan at Agoo sa La Union.

Mababatid na nagkaroon ng pamamaril na nauwi sa pagkamatay ng isang alkalde at kongresista sa nabanggit na lugar.

Samantala, patuloy namang babantayan at idadaan sa assessment ang iba’t ibang lugar sa Region 1 para maisapinal ang pagsasailalim nito kaugnay sa magaganap na eleksyon ngayong buwan ng Mayo. | ifmnews

Facebook Comments