Live From The Field

LTFRB REGION 1 WALA PA UMANONG NATATANGGAP NA PETITION LETTER UKOL SA TAAS PASAHE
Wala pa umanong natatanggap ang LTFRB Region 1 na petition letter na mula sa mga operators ng Jeep sa lalawigan ng pangasinan ukol sa kanilang hiling na taas pasahe
Ayon kay Engr. Karen Casaña ang Planning Officer ng Ltrfb region 1, kailangan umanong magsumite ng petition letter ukol sa kanilang hiling na taas pasahe.
Dagdag pa nito, sa oras na makapagsumite na nito ay dadaan muna ito sa proseso kung kaya’t hinikayat nito ang mga operator na magpasa na kanilang tanggapan upang maumpisahan ng pag-aralan.
Samantala, wala paring naitatalang taas pasahe sa lalawigan ng pangasinan sa kabila ng pagtaas ng presyong petrolyo.
###
SA SAN QUINTIN: HIGH BREED PALAY SEEDS NAKATAKDANG IPAMAHAGI SA MGA HINDI PA NAKATANGGAP
Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng san quintin ng libreng hybrid seeds sa mga magsasaka sa bayan
By batch ang isasagawang pamamahagi ng ahensya upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao
Ayon sa Municipal Agricuture Office, mayroong ibinigay na 140 sacks allocation ang DA na hinati hati naman para sa mga lokal na magsasaka sa mga nabanggit na baragay. Nakadepende ang bilang ng ipinamahagi sa lawak at laki ng kanilang sinasakang lupa.
Samantala, Inaasahan pa ang pagdating ng karagdagang hybrid palay seeds sa mga susunod na araw at prayoridad naman itong ibigay sa mga hindi pinalad na nakatanggap sa ngayon. Ipinamahagi ang naturang binhi upang agad na maipunla na ng mga magsasaka at maiwasan ang mga kalamidad tuwing anihan.
###
PINAKAMALAKING PROYEKTO NG NIA PANGASINAN MATATAGPUAN SA BUGALLON
Matatagpuan sa bayan ng Bugallon ang pinakamalaking proyekto ng National Irrigation Administration Pangasinan na kilala sa tawag na Domolog Small Reservoir Irrigation Project na kasalukuyang nakasailalim sa konstruksyon.
Ayon kay Pangasinan Irrigation Division Manager Helen Viado, ang gamit ng nasabing SRIP ay mag-imbak ng tubig ngayong tag-ulan at magamit itong patubig sa panahon ng tagtuyot bilang patubig ng mga magsasaka.
Dagdag pa nito, ang mga bayan na mabebenipsiyuhan nito ay Aguilar, Mangatarem, at iba pang bayan sa ikalawang distrito ng Pangasinan.
Samantala, aabot sa 1.6 billion pesos ang inilaang pondo ng nasabing proyekto at tinatayang matatapos ang konstruksyon nito sa 2025.
###
PAGLALAGAY NG CCTV SA MGA KABAHAYAN AT ESTABLISYIMENTO, IPINAYO NG PULISYA DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA NAKAWAN SA PANGASINAN
DAHIL sa sunod-sunod na nakawan sa lalawigan ng Pangasinan, hinihikayat ng Police Regional Office 1 ang mga residente na maglagay ng CCTV sa kanilang kabahayan o sa kanilang establisyimento.
Sa naging panayama ng IFM Dagupan kay PLTCOL. George Depalog Jr, tagapagsalita ng PRO1, mainam na mamonitor ang kanilang sariling bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng CCTVs.
Nagiging malaking tulong din umano ito upang agad na maresolba at mahuli ang mga kawatan.
Sa Region 1, nangunguna ang Pangasinan sa may pinakamataas na bilang nang nakawan ngayong taon na nasa 69, La Union na 12 kaso, Ilocos Sur na nakapagtala ng 20 kaso at dalawa sa Ilocos Norte.
Mas mababa ito ng 14% kumpara noong nakaraang taon na nasa 122 kaso ng nakawan.
Nagbabala din ito sa mga gumagawa ng pagnanakaw na patuloy silang binabantayan at hindi titigil ang pulisya hanggat hindi sila nahuhuli.
###
POLICE REGIONAL OFFICE 1, MAGPAPATULOY ANG PAGHULI SA MGA WALANG FACE MASK
NANINIDIGAN ang Police Regional Office 1 na susundin pa rin nito ang mandato ng IATF sa usapin ng pagsusuot ng face mask.
Ito’y matapos na gawing opsyonal ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang pagsusuot ng facemask.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay PLTCOL. George Depalog Jr. ibinabase ng pulisya ang kanilang desisyon sa ibinabang programa ng IATF na may kaugnayan sa COVID-19.
Aniya, may mga mangilan ngilan pang nahuhuli ang pulisya na hindi nagsusuot ng face mask. Karaniwang idinadahilan ay nakalimutan at hindi pa nakabili ang mga ito.
Gayunpaman, mataas ang compliance ng region 1 sa pagsunod sa minimum public health standards ayon kay Depalog.
Sa datos ng PRO1 ngayong taon nasa higit 10,000 katao ang naitalang hindi nagsuot face mask o di kaya ay improper wearing of face mask.
###
2, 507 LUMAHOK SA ISINAGAWANG INDEPENDENCE DAY JOB FAIR SA ILOCOS REGION; 181NATANGGAP ON THE SPOT
Pumalo sa 2, 507 na residente ng Ilocos Region na naghahanap ng trabaho ang lumahok sa isinagawang Independence Day job Fair ng Department of Labor and Employment Region 1.
Sa nasabing bilang 181 katao ang natanggap on the spot at 576 ang malapit nang matanggap sa trabaho.
Isinagawa ang simultanenous job fair sa apat na lugar sa rehiyon ito ay sa Candon Civic Center sa Candon City, Ilocos Sur; CSI Mall sa City of San Fernando, La Union; Nepo Mall sa Dagupan City, Pangasinan; and Don Leopoldo Sison Convention Center sa Alaminos City, Pangasinan.
Nagbigay ng one stop assistance ang ibang ahensya ng gobyerno sa mga jobseekers gaya ng DTI, OWWA, TESda, NBI, PAGIBIG, PHILHEALTH, PRC, PSA AT RTWBP.
###
LTFRB REGION 1 WALA PA UMANONG NATATANGGAP NA PETITION LETTER UKOL SA TAAS PASAHE
Wala pa umanong natatanggap ang LTFRB Region 1 na petition letter na mula sa mga operators ng Jeep sa lalawigan ng pangasinan ukol sa kanilang hiling na taas pasahe
Ayon kay Engr. Karen Casaña ang Planning Officer ng Ltrfb region 1, kailangan umanong magsumite ng petition letter ukol sa kanilang hiling na taas pasahe.
Dagdag pa nito, sa oras na makapagsumite na nito ay dadaan muna ito sa proseso kung kaya’t hinikayat nito ang mga operator na magpasa na kanilang tanggapan upang maumpisahan ng pag-aralan.
Samantala, wala paring naitatalang taas pasahe sa lalawigan ng pangasinan sa kabila ng pagtaas ng presyong petrolyo.
###
PINAKAMALAKING PROYEKTO NG NIA PANGASINAN MATATAGPUAN SA BUGALLON
Matatagpuan sa bayan ng Bugallon ang pinakamalaking proyekto ng National Irrigation Administration Pangasinan na kilala sa tawag na Domolog Small Reservoir Irrigation Project na kasalukuyang nakasailalim sa konstruksyon.
Ayon kay Pangasinan Irrigation Division Manager Helen Viado, ang gamit ng nasabing SRIP ay mag-imbak ng tubig ngayong tag-ulan at magamit itong patubig sa panahon ng tagtuyot bilang patubig ng mga magsasaka.
Dagdag pa nito, ang mga bayan na mabebenipsiyuhan nito ay Aguilar, Mangatarem, at iba pang bayan sa ikalawang distrito ng Pangasinan.
Samantala, aabot sa 1.6 billion pesos ang inilaang pondo ng nasabing proyekto at tinatayang matatapos ang konstruksyon nito sa 2025.
###
MINIMUM FARE SA JEEP SA ILOCOS REGION, NANATILI SA 9 NA PISO
INIHAYAG ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na wala pang pagtaas sa minimum fare sa Ilocos Region matapos maaprubahan ang petisyon ng mga transport group sa NCR, Region 3 at 4.
Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Anabel Marzan-Nullar ang Asst. Regional Director ng LTFRB Region 1, nanatili sa siyam na piso ang minimum fare sa mga pampublikong jeep sa rehiyon.
Aniya, bago pa man ang pandemya nasa walong piso ang minimum na pamasahe naging siyam na piso noong nagkaroon na ng pandemya.
Aniya, kapag natapos ang pandemya babalik ito sa walong piso.
Binigyang linaw ng Opisyal na walang karagdagang dagdag sa pamasahe sa rehiyon dahil wala namang natatanggap na petisyon ang kanilang ahensya.
Matatandaan na muling ihihirit umano ng AUTPRO Pangasinan ang dagdag na limang piso taas sa minimun fare dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Samantala, sakali mang matanggap ang pormal na petisyon ng Autopro dadaan ito sa masusing pag-aaral ng LTFRB bago aprubahan.
###
Comelec Pangasinan patuloy sa paghahanda sa brgy at SK ELECTIONS
Patuloy pa ang paghahanda ng Commission on Elections o COMELEC Pangasinan para sa barangay at Sangguniang kabataan o SK Elections na gaganapin sa Disyembre ngayong taong 2022.
Ayon sa komisyon, tuloy ang ELECTIONS habang wala pang batas na nilikha ang Kongreso para sa pagpapaliban ng Brgy at SK election kung kaya’t tuloy lamang ang kanilang preparasyon para sa nasabing halalan.
Anila may mga panawagan sa pagkansela ng election ngunit ang mga mambabatas sa parating na 19th Congress ay dapat gumawa ng batas kaugnay sa pagpapaliban at kung walang batas, magpapatuloy ang brgy and SK election.
Samantala Hinihikayat rin ang mga kabataan na edad 15 taong gulang na magparehistro na sa darating na buwan ng Hulyo, na siyang pagsisimula ng voters registration ng COMELEC.
Matatandaan na huli pang idinaos ang barangay at SK elections sa bansa noong May 2018.
###
SA MGA MSMES, TINIYAK NG ISANG MAMBABATAS
Kinikilala ng mga may-ari ng Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs ang ambag ni Pangasinan 4th District Congressman Christopher de Venecia upang makilala ang mga produkto at serbisyo nila.
Sa isang episode ng Toff Times ng kongresista, ibinahagi nina Angeline Gali at Harold Recede, co-partners ng Highlands Cafe In The Sky, ang kanilang pasasalamat sa ginagawang pagsulong ng kongresista ng kanilang maliit na negosyo sa kanyang mga social media accounts gaya ng Facebook at Instagram. Dumadami ang tumatangkilik sa kanilang negosyo dahil mismong si Congressman de Venecia ang nag i-endorso sa kanyang mga followers at kakilala nito.
Ang Highlands Cafe In The Sky ang pinakasikat na ngayon na cafe bistro sa San Fabian na matatagpuan sa Barangay Lipit Tomeeng, malapit sa Biker’s Den, na isang world-class na istrukturang ipinatayo ng kongresista sa naturang bayan bilang pahingaan ng mga siklista. Samantala, isa ding nagpatotoo sa tulong ni Congressman De Venecia sa promosyon ng mga MSMEs ay si Chef Justin na may-ari ng Seasalt Cafe sa Tondaligan, Dagupan.
Binanggit din ni Chef Justin na kapag lumalago ang mga MSMEs ay damay-damay din sa iba pang negosyo.
Ayon naman sa kongresista, talagang tinututukan niya ang mga MSMEs dahil ito ang pangunahing nagbibigay ng kabuhayan sa kanyang kababayan. Tinatayang mula 95% to 98% ng kabuhayan ng mga Pilipino ay galing sa sektor ng mga maliliit na negosyo o mga MSMEs at talagang nakakatulong aniya sila sa pag-angat ng ekonomiya.
Dagdag pa ni De Venecia na alam niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga MSMEs kaya’t minabuti niyang mas makilala ang sektor na ito sa kanyang social media accounts.
Nagbibigay din sya ng mga ideya para sa iba pang bagay na dapat nilang gawin para mas lumaki ang kanilang kita.
###
mga estudyante sa Alaminos City dumaan sa training kaugnay sa pagnenegosyo
Umaabot sa limampung mga estudyante mula sa Pangasinan State University Alaminos City Campos ang nagtapos ng entreprenurial training na isinagawa ng Department of Labor and Employment
Kasabay ito ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon kung saan ay nakita pag ugnayan ang Dole sa Dti
Ang nasabing training ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante sa pag uumpisa ng negosyo at kakayahan nila sa pag nenegosyo
Bahagi ito mg trabaho, negosyo at kabuhayan na programa ng Dole na ginanap sa don Leopoldo sison auditorium sa lungsod ng Alaminos.
###
GOOD NEWS: LIMANG PANGASINENSE, PASOK SA TOO 10 NG NURSING LICENSURE EXAMINATION
Patuloy ang pagbibigay karangalan sa Pangasinan ng mga top notchers sa mga Licensure Examinations.
Kamakailan, nang mailabas ang resulta ng katatapos lamang na Nursing Licensure Examination 2022, limang (5) Pangasinense ang pasok sa Top 10. Nakuha ni Dhen Loren Delos Santos ang top 3, top 5 naman si Joshua Aaron Decena, top 6 si Kimberly Mangulad, top 7 si Hannah Roseann Loresco at top 10 naman si Miranela Estrada.
Lahat ng mga top notchers ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa University of Pangasinan, PHINMA. Ang nasabing Unibersidad ay nagawaran din ng May 2022 Best Performing School of Nursing.
Facebook Comments