ILANG RESIDENTE SA DAGUPAN CITY, PUSPUSAN SA PAGTAMBAK NG LUPA SA MGA BINAHANG DAANAN

Puspusan na sa pagtambak ng lupa ang ilang residente sa mga daanan at mga nitsong nalubog sa baha sa Dagupan City Public Cemetery.
Naabutan ng ifm Dagupan si Melvin De Vera, residente ng Brgy. Poblacion Oeste na abalang pagtatambak ng lupa kasama ng kanyang mga pamangkin sa dadaanan nila papunta sa nitso o puntod ng kanilang pamilyang yumao na nalubog sa baha.
Ayon sa kanya, taun-taon na umano nilang ginagawa ang pagtatabon o pagtatambak ng lupa at buhangin dahil sa tingin nila lulubog din ang itinatambak nila kung saan ayos lang umano sa kanila dahil Isang beses lamang umano sa isang taon kung sasapit ang UNDAS.

Wala na rin umanong balak na ilipat ni Melvin ang mga labi ng kanyang pamilya dahil permanente na silang nakatira sa lungsod bagkus panawagan nalamang umano niya sa LGU na sana ay mabigyan na ng aksyon ang problema dahil libu-libo ang napipirwisyo sa problema.
Samantala sa tala ng pamunuan ng Roman Catholic Cemetery sa lungsod, nasa higit 200 mga nitso ang nalubog sa baha dahil nasa mababang parte.
Ang naturang sementeryo, hindi maganda at walang maayos na daluyan ng tubig.
Sa ngayon, nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng sementeryo na ilipat na ang mga labi ng kanilang mga pamilya dahil sa pagpasok ng Enero nakatakdang ayusin at linisin ang naturang sementeryo dahil sa malaking problema nito na bahain sa lugar.
Mangyari lamang umanong makipag-ugnayan sa pamunuan ng sementeryo sakaling may katanungan ukol sa pagsasaayos nito. |ifmnews
Facebook Comments