PAALALA SA NG DOH SA PUBLIKO UKOL SA PAG-IWAS NG WATER AND FOOD BORNE DISEASES, IBINAHAGI
Nagpaalala ang hanay ng Disease Prevention and Control Section – Ilocos CHD ukol sa sakit na water and food borne diseases at kung paano ito malalabanan o maiiwasan kung sakaling natamaan.
Ang water and food borne diseases ay ang mga sakit na sanhi ng infectious organisms tulad ng bacteria, viruses, mga parasites na nakukuha sa mga kontaminadong tubig o pagkain. Ilan lamang sa mga karaniwang sakit na dulot nito ay ang Cholera, Hepatitis A, Typhoid Fever, Rotavirus, Dysentery maging ang Paralytic Shellfish Poisoning.
Madali mang gamutin ang ganitong uri ng sakit, bagamat kailangang maalam ang mga tao sa mga sintomas na maaaring maranasan kapag natamaan. Ilan sa mga sintomas ay ang pagtatae, pagduduwal, pagsusuka, pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng tiyan at pagkawala ng gana sa pagkain.
Kung mapabayaan ay maaaring humantong ito sa dehydration.
Ibinahagi ang mga hakbangin sa mga pangunang lunas at mga kailangang gawin upang maiwasan o malabanan ang naturang sakit.
Para sa paunang lunas, uminom ng Oral Rehydration Solution o ang pinaghalong 1 litro ng inuming tubig, walong kutsara ng asukal at isang kutsara ng asin.
Ang ilan naman sa mga kinakailangan gawin upang makaiwas sa sakit na ito ay ang paghuhugas ng kamay bago pa at pagkatapos maghanda at kumain ng pagkain, at pagkatapos gumamit ng palikuran. Tiyakin din na malinis ang mga kakaining pagkain sa pamamagitan ng maayos na paglilinis o paghugas ng mga ito. Kabilang sa paalala ang pag-iwas sa pagbili ng mga pagkain sa kalye at ang pagtakip ng mga nakaimbak na tubig o pagkain upang hindi makontamina.
Kapag lumala, mas mainam nang kumonsulta sa pinakamalapit na ospital o health facility.

Facebook Comments