Monday, March 2, 2026

Live From The Field

*PAGDAGSA NG MGA TAO SA KILALANG SIMBAHAN SA CALASIAO SA NALALAPIT NA MAHAL NA ARAW, PINAGHAHANDAAN NA NG KAPULISAN SA BAYAN*

Pinaghahandaan na ng kapulisan sa Calasiao ang inaasahang pagdagsa ng mga tao sa kilalang simbahan sa bayan sa nalalapit na mahal na araw.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan, sinabi ng mga awtoridad na taon-taon ay dinaragsa ng mga deboto at mananampalataya ang Saints Peter & Paul Parish Church tuwing semana santa, lalo na ang mga nagsasagawa ng Visita Iglesia.

Isa ang naturang simbahan simbahan sa itinuturing na pinakamatandang simbahan sa Pangasinan, dahilan kung bakit kabilang ito sa mga pangunahing dinarayo tuwing Visita Iglesia.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na pamahalaan, Bureau of Fire Protection at Public Order and Safety Office upang paghandaan ang mahal na araw.

Mahigpit na babantayan ang loob at labas ng simbahan, maging ang pagpapatupad ng batas trapiko sa bayan.

Kaugnay nito, nanawagan ang kapulisan sa mga bibisita na makiisa sa payapa at maayos na paggunita ng mahal na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments