Live From The Field

21

Isang binatilyo ang ginagamot sa ospital matapos mabaril ng kanyang nakaalitan sa bayan ng Parang Maguindanao nitong Miyekules ng hapon sa barangay Making sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ni Police Chief Inspector Erwin Tabora, hepe ng Parang Pnp ang biktima na si Jay Calinawagan , 17 anyos residente ng nabanggit na lugar.
Sa tiyan ang tama ng biktima mula sa hindi natukoy na uri ng baril mula sa suspect na kinilalang si Walid Lidasan 18 anyos residente ng Pob 2 Parang.
Nagtalo hanggang sa nagkainitan ang dalawa na humantong pa sa batuhan hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at binaril ang biktima ng isang beses.
Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang suspect.Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng Parang Pnp ang insidente. Ano kaya ang pinagtalunan ng dalawa na humantong pa sa pamamaril?(Amer Sinsuat)

Facebook Comments