Sa pakikipagtulungan ng National Nutrition Council matagumpay na naisakatuparan ng Department of Health-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang regional dissemination ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2017-2022.
Pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang symbolic turnover ng PPAN 2017-2022 documents sa iba’t-ibang stakeholders.
Ang five-year Philippine nutrition plan ay bahagi ng Philippine Development Plan na sumasaklaw sa mga taung 2017 hanggang 2022. Alinsunod ito sa 10-point Economic Agenda ng administrasyong Duterte.
Layunin nito na pahusayin ang sitwasyon ng nutrisyon sa bansa bilang ambag sa pagkamit sa AmBisyon 2040 na naghahangad na maiangat ang human resource base ng bansa, maibsan ang child and maternal mortality.
“We would like to improve our health services,” ayon kay ARMM Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding, Jr. nang kanyang iprisenta ang estado ng nutrisyon sa rehiyon.
“Our health services will only improve with your participation. Pag hindi po kayo nakialam at hindi nakipagtulungan, kaunti lang po ang ating magagawa,” dagdag pa ng kalihim.
Live From The Field
Facebook Comments