Live From The Field

2 Lalaki Tinaga sa Magkahiwalay na Lugar sa Isabela

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Robin Pauig y Damagan 38, may asawa, residente ng Brgy. Moldero, Tumauini Isabela, matapos itong tagain sa kanang kamay ng kabarangay na si Mariano Francisco y Bingayan 35, may asawa at isang magsasaka.

Ayon sa PNP Tumauini Isabela, naglalaro ng baraha ang suspek na si Francisco nang lapitan ng nakainum na biktimang si Pauig at bigla na lamang sinuntok ng biktima ang suspek.


Hindi umano kaya ng suspek ang biktima kaya tumakbo eto at kumuha ng mahabang gulok, binalikan ang biktima at pinagtataga eto.

Ayon sa paunang imbistigasyon ng pulisya, may dating away ang dalawa.

Ang suspek ay nasa pag iingat na ng PNP Tumauini.

Samantala sa lungsod ng Cauayan naghihimas naman ng malamig na bakal ang tumaga sa kanyang kabarangay.

Ang biktima ay si Shoti Lobronio y Tabago 30, binata, helper at residente ng purok 7 brgy. San Fermin, Cauayan City Isabela samantalang ang suspek ay si Nelson Garcia y Balagot 37, may asawa, driver at residente rin sa nasabing brgy.

Ayon sa PNP Cauayan City, nakainom umano ang biktima at naghahamon ng away, dahil sa naiingayan na ang suspek, kinuha ang gulok at tinaga ang biktima na ikinasugat ng kaliwang kamay nito.

Ang biktima ay agad isinugod sa pagamutan samantalang ang suspek ay nasa pag iingat na ng pulisya.

Facebook Comments